ANNE copy

TOTOO kaya na may malaking tampo kay Anne Curtis ang kampo ng isang sikat na celebrity politician na tumakbo sa katatapos na eleksiyon? Ayon sa kuwentong nakarating sa amin, isa raw si Anne sa showbiz stars na kinakausap ng kampo ng sikat na celebrity para sa isang gabing rally.

Ang akala raw kasi ng kampo ng sikat na celebrity politician ay hindi sila mahihirapan kay Anne dahil kaibigan ito ng pamilya o itinuturing na nilang kapamilya.

Siyempre, kahit malapit na kaibigan ay may talent fee pa rin namang ibibigay at sa katunayan ay si Anne pa nga raw ang may pinakamalaking tatanggapin para sa isang gabi at isang kanta lang naman ang gagawin sa stage para ma-entertain ang mga dumalong constituents ng celebrity politician.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Pero isang malutong na ‘no’ raw ang sagot ng namamahala sa career ni Anne. Ang katwiran raw ng talent management ay si Anne mismo ang may ayaw, pero kung dodoblehin ang talent fee ay baka raw pag-iisapan nito ang imbitasyon.

Kaya hayun, sumama ang loob ng sikat na celebrity politician.

Pero kahit walang Anne Curtis sa kampanya ng celebrity politician ay landslide win pa rin naman siya. Gayunpaman, dahil sa nangyari mukhang may tampuhan na sa dalawang kampo.

Samantala, pumirma ng dalawang taong eksklusibong kontrata sa ABS-CBN si Anne Curtis at may mga bagong proyekto siyang gagawin. (JIMI ESCALA)