LUCHI copy copy

HINAHANAP ng netizens ang hepe ng News TV5 na si Ms. Luchi Cruz-Valdes sa coverage ng nakaraang Halalan 2016.

Matatandaang umani ng mga papuri si Ms. Luchi sa presidential debate noong Marso 20 sa UP Cebu kaya inasahan ng netizens na muli nilang mapapanood ang bossing ng news department ng TV.

Isang araw bago ang eleksiyon noong Mayo 9 ay sumakabilang buhay ang asawa ni Ms. Luchi na si Mr. Lito Valdes na kahapon lang na-cremate.

Mga Pagdiriwang

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito

Ang mga kasamahan ni Ms. Luchi na mismo ang nagsabing huwag na siyang mag-alala sa Halalan coverage at sila na ang bahala kaya ibigay na niya ang kanyang atensiyon sa yumaong asawa.

“Naku, gusto pang sumalang sana, eh, pinigilan na namin kasi paano naman ang asawa niya?” sabi ng executive staff ni Ms. Luchi na si Ms. Cristina Stohner Tan.

Samantala, may isang BPO company na tila insensitive dahil kahit sinabi nang nagdadalamhati si Ms. Luchi sa pagpanaw ng asawa ay pinipilit pa rin siyang dumalo sa natanguang guesting nito dahil naka-schedule na raw ito at hindi na puwedeng i-postpone.

Baka hindi nag-sink-in sa kausap ng TV5 people ang nangyari kaya nangungulit pa rin ang taga-BPO sa nasabing guesting ng TV5 News head.

‘Kaloka, ha? (REGGEE BONOAN)