DAGUPAN CITY, Pangasinan - Patay ang isang konduktor matapos siyang barilin sa loob ng isang videoke bar sa Barangay Poblacion Norte sa Maddela, Quirino.

Ayon kay PO1 Edelmar Odson, nakursunadahan lamang si Albert Amigo, 39, may asawa, ng suspek na si Arnold Alborera, 39, kapwa ng Bgy. Villa Sur, Maddela, Quirino.

Nabatid na dakong 11:00 ng gabi nitong Huwebes nang dumating ang umano’y lasing na si Alborera sa Butterfly Videoke bar habang nakikipag-inuman naman ang biktima kay Lyn Mendoza, 29, dalaga, entertainer.

Bigla umanong hinamon ng suspek ng away ang biktima na nauwi sa pamamaril, at natamaan sa dibdib si Amigo.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Ipinalalagay ng pulisya na kinursunada lang si Amigo ng suspek, na pinaghahanap na ngayon ng pulisya.

(Liezle Basa Iñigo)