JC at JC copy

NASAKSIHAN ang pagsisimula ng matagumpay na tambalan nina Jessy Mendiola at JC de Vera sa kanilang unang soap na You’re My Home at nagpapatuloy ito sa pagbibigay nila ng kilig vibes sa Wansapanataym Presents: Just Got Laki.

Katunayan ang napakataas na ratings na nakuha nila sa pilot episode ng show noong nakaraang linggo.

Masaya sina JC at Jessy na nabigyan sila ng pagkakataon na mapanood sa winning fantasy-drama anthology show.

Mga Pagdiriwang

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito

“Siyempre different ‘yung pagiging light, siyempre may romantic side siya. Siyempre may ligawan and mga things na very different from You’re My Home kasi nga ‘yun heavy drama, ito very light lang. May konting kilig and light romance,” pahayag ni JC.

“It’s something different from what we usually do,” ayon naman kay Jessy.

Nabanggit din ng actor na maganda ang epekto ng challenge sa kanila ng proyekto.

“Mas wider lang ‘yung range na makikita. Siyempre hindi lang sa isang angle na heavy drama and comedy like sa Banana Sundae. Very far from sexy, very far from the different genres that we are used to,” sabi ng aktor.

Batang si Macky ang role ni JC de Vera na naging grown up nang kumain ng magic candy na galing sa isang extraordinary candy store. Si Jessy Mendiola naman ay si Isabel na anak ng may-ari ng candy store na pinagtatrabahuhan ng ina (Angel Aquino) ni Macky.

Ang istorya ay umiikot sa matinding paghanga ni Macky kay Isabel na naging mas posible nang siya ay lumaki.

Ayon kay Jessy, hindi nila masyadong pinaghandaan ang bagong roles nila rito dahil gusto nilang maging mas natural ang pagganap nila.

Ikinatutuwa nina Jessy at JC ang suporta ng kanilang followers na anila’y nagbibigay inspirasyon sa kanila para lalong pagbutihin ang trabaho nila sa Wansapanataym.

“Habang ginagawa namin ito parang sinasabi naming, ‘Sana ‘yung next natin light lang, light lang,” sabi ni Jessy.

Ang unang episode ng Wansapanataym Presents: Just Got Laki noong nakaraang Linggo ay nakakuha ng 26.8% na ratings.

Abangan uli sina JC at Jessy sa lima pang episodes ng Wansapanataym Presents: Just Got Laki tuwing Linggo, directed by Jojo Saguin at Allan Chanliongco.