Alden Maine Piazza Cavour copy

BAGO umalis ng Pilipinas papuntang Italy para sa shooting ng first solo movie nila ni Alden Richards, sa kalyeserye sa Eat Bulaga ay tuwang-tuwang pinapanood ni Maine Mendoza sa cellphone ang iba’t ibang lugar sa nasabing bansa.

“Ay, sa Vatican sa Rome, gusto ko dalhin ako doon ni Alden,” sabi ni Maine. “Ay, leaning Tower of Pisa, kapag nagpa-picture kami ni Alden doon, dapat naka-lean din kami. Ang dami-dami naming p’wedeng puntahan ni Alden, sana mapuntahan naming lahat iyon sa pagsu-shooting namin.”

Apat na araw nang nagsu-shooting sa Como, Italy sina Maine at Alden na inaabot hanggang 10:30 PM. Wala ring tigil ang dating fans na gusto silang makita nang personal, at inaasikaso nila ang mga ito kapag shooting break.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Pero mukhang apektado sila ng weather doon na napakalamig, cloudy, kaya noong Wednesday ay interiors ang shoot nila.

Ayaw ni Direk Mike Tuviera na magkasakit ang kanyang mga artista, aminado siyang hindi tayo sanay sa ganoong weather.

Bago kasi pumunta ng Italy, sunud-sunod ang trabaho nina Alden at Maine, kaya lagi silang puyat at pagod, at nanibago pa sa change of temperature. Pero wala silang reklamo sa shooting, alam nilang may timetable silang dapat sundin para makabalik sa Pilipinas para dito naman ituloy ang shooting ng iba pang eksena.

Nag-tweet sa amin ang isang friend na lilipat daw muna ng location ang grupo, maybe sa Rome o sa Verona. Doon sa medyo mainit ang weather.

Naalaala namin na noong i-announce sa Eat Bulaga ni Lola Nidora (Wally Bayola) ang paggawa ng movie nina Alden at Miane, may malaki silang picture sa studio ng balcony scene sa Romeo & Juliet ni William Shakespeare. Pumunta kaya roon sina Maine at Alden, dahil sabi, naroon pa rin ang mga lugar na kinunan para sa nasabing tragic story ng Romeo & Juliet.

Pero ang alam namin, isa sa talagang gustong puntahan ni Alden ang Vatican. Gusto raw niyang mapasok ang loob nito. Hindi naman nakapagtataka dahil sa lahat ng mga biyayang tinatanggap niya, laging una niyang pinasasalamatan ang Diyos.

Hmmm, at least pareho pala sila ni Maine ng gustong mapuntahan. Hintayin na lang natin ang updates ng fans kung saan-saan pang lugar sa Italy sila nagtutungo. Hanggang end of May pa sila roon. (NORA CALDERON)