IPINALABAS na ang My Candidate kahapon na idinirek ni Quark Henares at pinagbibidahan nina Derek Ramsay, Shaina Magdayao, Ketchup Eusebio at Iza Calzado produced ng Quantum Films, Buchi Boy Films, Tuko Films at MJM Productions.
Sadyang pinili ang playdate ng My Candidate pagkatapos ng halalan noong Lunes para pagkatapos ma-stress ay sakto ang pelikula para matawa naman ang publiko.
Ayon kay Direk Quark, original ang istorya ng My Candidate at walang ginayahang ibang pelikulang may kinalaman sa pulitika tulad ng American President, Our Brand of Crisis at iba pa.
“It’s a romantic comedy movie about elections, siyempre friends ko sina Lino Cayetano, Roman Romulo na I realize na may mga lovelife rin sila. So unlikely world na you explore,” bungad ni Direk Quark nang makausap namin sa presscon ng My Candidate.
“I think I was inspired by TV shows na office comedy, kasi itong movie na ito, hip hop music. If you watch the film, very good hip hop. Unlikely combination nga, eh, tattoed girl, politics, so three different things na hindi dapat nagsasama-sama sa isang pelikula,” kuwento ng direktor.
Gusto niyang ipakita sa mga pelikula niya kung sino at ano siya bilang filmmaker.
“Like I like rock and roll, ito talaga ang music ko, so I put it in the movie, ito ‘yung way ko to put myself in there,” sabi ni Direk Quark.
Napanood na namin ang My Candidate, kuwento ito ng isang congressman (Derek) na gustong maging senator at ang mahigpit na kalaban ay ang ex-girlfriend (Iza) na tuwing naririnig o nakikita niya ang pangalan ay nawawalan siya ng focus dahil in love pa rin siya.
Stylist, publist, campaign manager cum life coach ang role ni Shaina na tumutulong kay Derek para makalimot at sa huli nga ay naging magkarelasyon sila.
Sa karakter ng mga bida, wala silang naging peg sa mga kumandidato ngayong halalan. Pero Masaya ang pelikula at mapapanood dito ang humor ni Direk Quark.
Samantala, aprubado kay Direk Quark ang ipinapatupad ng DoLE na 8-12 working hours. Kaya magkasalungat sila ng producer niyang si Atty. Joji Alonso.
Isa si Direk Quark sa nagpahayag ng saloobin sa social media tungkol sa long working hours sa production na nauuwi sa pagkakasakit ng entertainment industry workers at ‘yung iba ay nawawala na nang tuluyan.
“I’m glad what they’re (DoLe) making set towards kasi medyo weird ‘yung industry natin, kailangan talaga medyo long ‘yung working hours. Pero it will really kill you, di ba? But maybe 14 or 15 hours is okay na.
“Kasi nu’ng 80s at ‘90s ganu’n naman, eh, so ngayon lang talaga nu’ng time of the serye, sa Korea ganu’n din naman, so why not in the Philippines?
“Feeling ko, ito ‘yung killer, ha, the fact na hindi masyadong nagka-can ‘yung mga networks, so parati silang naghahabol, so okay lang sa akin na you work 14 hours.
“Pero kung magka-can na lang sila months before, maiiwasan ‘yun, eh. Kasi ‘yun nga 80s and 90s, time ng Buddy and Sol, Abangan Ang Susunod Na Kabanata, okay naman ‘yung working hours, eh. Ngayon kasi hindi hindi na, because of the ratings game. But I think, kaya naman, eh.”
Hindi type ni Direk Quark na gumawa ng TV show o serye.
“I worked in a teleserye before, Parekoy, after two weeks, sh_t, hindi ko na kaya, ha-ha-ha!”
Mas type ni niya ang pelikula pero wala rin siyang planong mag-produce kundi magdirek lang. Feeling namin moody ang My Candidate director kaya hindi siya masyadong ratsada sa pelikula. Kung baga, in his time ang drama ng panganay nina Dra. Vicki Belo at Mr. Atom Henares.
Speaking of Dra. Belo, matagal na nitong sinasabi kay Direk Quark na siya ang mag-manage ng negosyo nila (Belo Medical Group na marami ng branches nationwide), pero lagi niya itong tinatanggihan.
“Mas mahal ko kasi ang pelikula, eh, hindi ko maiwan,” kaswal na sagot ng filmmaker.
Bakit siya kumuha ng business management course sa ibang bansa?
“Eh, yun nga, eh, di ba? Pinagbigyan ko lang sila, ha-ha-ha! I went so far to business school, but even in business school dinidirek ko ‘yung mga class projects, pumupunta ako sa film schools,” natawang kuwento ni Direk.
“I don’t want in my mom’s shadow kaya ayokong ipag-produce niya ako ng movie. She’s helping me out of the billboards, both my parents have been very helpful, but I don’t want to be that guy,” paliwanag ng unico hijo ni Dra. Belo.
Walang naman siyang choice kundi pamahalaan ang negosyo nila dahil ang kapatid niyang si Cristalle Belo Henares ay ikakasal na sa hotelier fiance nito na sa ibang bansa nakabase.
“Oo nga, eh. Well, we will see, but I think ‘yung mga people working in Belo, mga CEO, magaling naman talaga sila. You know, we can rest well muna.
“Si Justin Pitt, magiging asawa ni Cristalle, nakikitulong na rin sa Belo, nag-resign na siya actually as hotelier, he’s working na rin with Belo, parang company culture ang work niya,” kuwento ni Direk Quark.
Kanino niya namana ang pagiging artist, e, parehong entrepreneur ang parents niya?
“Ewan ko nga, eh, ha-ha-ha-ha. First movie ko nandiyan ka na, ikaw talaga, tagal na, 21 (years old) lang ako no’n,” tumatawang sabi pa.
Hindi naman nagmamadaling mag-asawa si Direk Quark kaya okay lang na maunahan siya ni Cristalle.
“Kailangan ko pang maghanap ng baby mama, ha-ha-ha. Pero gusto ko nang magkaroon ng anak. Mahirap kasing maghanap ng wife material kasi forever ‘yun, ha-ha-ha.”
Ang mommy ba niya ang peg niyang wife material?
“Hindi, siguro mga tulad ni Iza Calzado, joke! Wala naman, mga characters sa movies ko siguro, character ni Shaina, character ni Katya.”
So, ang type ni Direk Quark ay artist din. Dapat kasundo niya sa musika, pananamit, ugali, at hindi kontrabida kapag may gusto siyang gawin.
Sabagay, ‘yung ibang nakilala naming ex-girlfriend ni Direk Quark ay pawang refined at tila hindi kasing weird ng direktor, ha-ha-ha.
Kinumusta namin ang relasyon ng Mama Vicki niya at ni Hayden Kho, kung tanggap na ba nilang magkapatid, dahil dati ay vocal sila ni Cristalle na ayaw nila.
“Okay naman na, ang tagal na rin naman kasi guys, ten years. Ano na lang, what makes her happy, okay na, ‘yan ang na-realize ko. Life is short. So, go lang kung happy naman. At saka na-prove naman na ni Hayds ‘yung ano… love niya,” pahayang ng laging cool o chill lang na anak ni Dra. Belo.
Okay na talaga sila ni Hayden?
“We’re okay, civil lang, okay na rin. Hindi kami gumigimik, mas more sila ni Cris (Cristalle), pero kaya naman din siguro.”
Diretso ang tanong namin tungkol sa nabalitang planong pagkakaroon ng anak nina Dra. Belo at Hayden, kaya naghanap ang mga ito ng surrogate mother.
“I think ano, just wait, ha-ha-haha. Honestly, okay naman sa amin din. Parang sila na lang ang magsabi niyan.
Tanggap ko naman na may littler sister, ha-ha-ha” tumatawang sagot ni Direk.
At dahil nadulas siyang little sister, sa madaling salita mayroon na ngang sister coming?
“Ha-ha-ha-ha, hindi ko alam, I don’t know. Ayokong magsalita. In time, let’s say na there are discussions. Matagal na nilang pinag-uusapan na, eight years ago pa, na she wants kid. Nira-rush nga kami ni Cristalle na magkaroon ng apo, so unahan na lang, ha-ha-ha,” humahalakhak na sabi ng direktor.
May plano bang magpakasal sina Dra. Belo at Hayden?
“Well, mag–prenup, prenup muna. Ganu’n na lang. Payag ako basta may pre-nup,” seryosong sabi ni Direk Quark.
Hirit namin, sa papel lang ang pre-nup, paano kung hindi naman tuparin ng mama niya na kilalang generous?
“Oo nga, eh. Eh, bahala na sila. Pero ayaw na niyang magpakasal, eh. Vehemently, siya, she’s almost 60, so wala na,” pagtatapat ni Direk Quark.
So, masaya na rin siya na hindi na magpapakasal ang mama nila?
“Ha-ha-ha-ha!” sagot sa amin.
Noon pa man, masarap talagang kakuwentuhan si Direk Quark dahil walang dull moment at higit sa lahat, puro scoop.
Till next tsikahan, Direk Quark. (REGGEE BONOAN)