DHAKA (Reuters) – Binitay ng Bangladesh ang Islamist party leader na si Motiur Rahman Nizami noong Miyerkules kaugnay sa genocide at iba pang mga krimen sa panahon ng 1971 war of independence mula sa Pakistan, inihayag ng law minister.

Si Nizami, pinuno ng Jamaat-e-Islami party, ay binitay sa Dhaka Central jail makalipas ang hatinggabi, sinabi ni Law Minister Anisul Haq, matapos ibasura ng Supreme Court ang huling apela nito laban sa parusang kamatayan na ipinataw ng special tribunal sa pagkakasala ng genocide, rape at pagmamando ng masaker sa top intellectuals sa panahon ng digmaan.

Si Nizami, 73, dating legislator at minister sa huling termino bilang prime minister ni opposition leader Khaleda Zia, ay hinatulan ng bitay noong 2014.

Internasyonal

Sikat na nagyeyelong Mt. Fuji sa Japan, hindi nag-snow matapos ang 130 taon