Derek & Shaina copy

NAGULAT si Derek Ramsay sa presscon ng My Candidate nang tanungin siya ng entertainment press kung totoo ang kumakalat na tsikang break na sila ng girlfriend na si Joanna Villablanca. Sila pa rin daw, at kapo-post nga lang ni Joanna ng picture nilang dalawa sa Instagram account nito.

“Baka dahil sa post niyang, ‘Hoy, wala ka nang time, umuwi ka na.’ Baka iyon ang inisip ng mga tao, pero lambing lang ‘yon sa akin ni Joanna,” sagot ni Derek. “We’re good, after ng work ko today, kasama ang anak niya, magmu-movie kami.”

Lalo pang nagulat si Derek nang sabihin sa kanya na ang leading lady niya sa movie na si Shaina Magdayao ang sinasabing cause ng break-up daw nila ni Joanna.

Mga Pagdiriwang

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito

“Nakakaawa naman si Shaina. I’d like to apologize to Shaina, hindi siya ganoong klase ng babae. She’s not the type to be a third party to any relationship. It’s sad na may lumabas na ganoong balita, I guess dahil may movie kaming dalawa. Bakit ba with every leading lady I have, I seem to have a relationship?”

In fairness naman kay Derek, tanggap at maganda ang response ng mga tao sa kanyang non-showbiz girlfriend.

“Salamat naman kung napapansin nilang hindi ako ganoon mag-post sa IG na magkasama kami laging dalawa. Basta, we maximize the time that we have for each other. Sacrifice na lang kami kapag medyo sunud-sunod ang work.”

Biniro pa si Derek na halata namang happy siya sa kanyang love life. Wala nga raw siyang pimples dahil walang stress ang kanyang personal life. Maganda raw ang kanyang relasyon sa anak ni Joanne na si Sophie. Kaya wala rin siyang stress kahit sunud-sunod ang kanyang trabaho.

“Like dito sa My Candidate, yes, ako si Sonny Suarez, ang hunky congressman running for senator, pero the story doesn’t delve into serious topics like vote-buying, mud slinging and electoral fraud. Romantic-comedy ito at ipakikita namin dito ang fun side of politics. May makaka-relate sa aming story, molded ako ni Shaina to be an ideal candidate, at up against ako sa ex-girlfriend kong si Iza (Calzado) who is running for the same post.”

Natawa si Derek nang tanungin kung totoong na-take seven sila ni Shaina sa kanilang kissing scene, panoorin na lang daw namin ang movie.

Ayon kay Direk Quark Henares, magiging welcome break ang My Candidate pagkatapos ng maraming mud slinging ng mga kandidato ngayong election.

Mapapanood na in cinemas nationwide ang My Candidate simula bukas, produced by Quantum Films, MJM Productions, Tuko Film Productions, Buchi Boy Films. (NORA CALDERON)