Patay ang itinuturing na number one drug target personality sa Pampanga matapos makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng anti-drug operation sa bayan ng Guagua, nitong Biyernes.

Kinilala ni Pampanga Police Provincial Office director Senior Supt. Rodolfo Sabate Recomoro, Jr. ang napatay na si Arthur Sunga, 37, tubong Guagua.

Sinabi ni Recomoro na naglunsad ng anti-drug operation ang grupo ni Chief Insp. Michael Masangkay sa Barangay Natividad, Guagua, laban kay Sunga sa pamamagitan ng entrapment operation.

Nang palapit na ang mga pulis upang siya’y arestuhin, tinangka umano ni Sunga na tumakas at pinaputukan ang awtoridad.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Bumawi ang grupo ni Masangkay at napuruhan si Sunga ng tama ng bala sa dibdib at ulo.

Nabawi sa suspek ang siyam na sachet ng shabu at P1,000 marked money. (Franco Regala)