Mayo 8, 1980 nang payagan ng administrasyong Aquino si dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino, Jr. na sumailalim sa coronary bypass surgery sa Amerika, alinsunod sa payo ng mga doktor nito. Mula sa kanyang kinapipiitan sa Fort Bonifacio, tatlong araw na na-confine si Aquino sa Philippine Heart Center matapos atakehin sa puso.

Kilalang kritiko ni noon ay Pangulong Ferdinand Marcos, nakulong si Aquino dahil sa mga kaso ng pagpatay, pagrerebelde, at may mga “violation” sa baril.

Kinausap ni noon ay First Lady Imelda Marcos si Aquino at inalok na ipadadala ito sa Amerika. Tinawagan ni Imelda ang Embahada ng Amerika upang magpalabas ng visa para kay Aquino, at tumulong sa pag-aayos ng travel itinerary ng senador.

Mayo 11 ng taong din na iyon, ginamot si Aquino ng Pilipinong doktor na si Rolando Solis sa Baylor University Medical Center sa Dallas, Texas. Makalipas ang dalawang araw, matagumpay na naoperahan si Aquino, sa pangunguna ni Dr. Ben F. Mitchel.

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?