Gina copy

GOODBYE, Jane the Virgin, hello Gina the bada**! Sa pamamagitan ng Instagram, ibinahagi ng aktres na si Gina Rodriguez ang kanyang edgy new ‘do at hindi pa ito nakita ng kanyang mga tagahanga dahil ngayon pa lamang siya nagpagupit ng ganito kaikli.

“Annihilation. #AnyaThorensen,” paglalarawan niya sa kanyang litrato, tinutukoy ang kanyang panibagong pelikula, ang Annihilation.

Ang sci-fi thriller ay inaasahang ipapalabas sa 2017 kasama sina Natalie Portman, Oscar Isaac, at Jennifer Jason Leigh. May mga detalye nang nailabas tungkol sa istorya, at kung ito ay magiging astig kagaya ng buhok ni Gina, siguradong ito ay magiging patok sa mga manonood.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sumikat ang Golden Globe winner sa CW show na Jane the Virgin, bilang Jane. Dedikado rin siya sa pagtulong sa mga miyembro ng Latino community, simula sa #MovementMonday” noong Enero.

“It’s me doing it to uplift and highlight and empower other Latinos,” pahayag niya sa ET noong panahong iyon. “To send the message that there’s a lot of wonderful and positive things going on in our community – that’s what we should focus on.” (ET Online)