Sharon Kiko copy

ISANG thanksgiving dinner ang ibinigay ng mag-asawang Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta sa kanilang mga kaibigan at entertainment press para sa kanilang 20th wedding anniversary at bilang pagtatapos na rin ng kanilang pangangampanya sa muling pagkandidato ng una para senador. As number 40 sa balota, malakas ang laban ni Kiko dahil nasa top five siya sa surveys. Malaki naman kasi talaga ang nagawa na niya simula nang umupo siya bilang Secretary of Agriculture sa PNoy administration.

“Hindi ko alam noong una na kakandidato si Kiko, pero nang malaman kong tutuloy siyang magsenador muli, sa likod na lang niya ako at ang mga anak namin,” maikiling kuwento ni Sharon. “Sinamahan namin siya sa paglilibot sa bansa, sa pamamagitan ng aming caravan. Kaya nagpapasalamat kami sa magandang pagtanggap sa amin kahit saan kami pumunta.

Nag-enjoy din ang mga anak namin, sina Frankie, Miel at Miguel, nag-bonding ang buong pamilya.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

May guests singers si Sen. Kiko na nag-provide ng music and entertainment sa mga dumalong kaibigan habang kumakain ng dinner.

Hindi nakaiwas si Sharon na matanong tungkol sa paghiwalay ng kanyang best friend na si Zsa Zsa Padilla kay Arch.

Conrado Onglao na kaibigan din niya. Nakausap na ba niya si Zsa Zsa?

“Hindi ko pa ma-text kasi kanina ko lang nalaman,” sagot ni Sharon. “Pareho ko silang kaibigan pero mas close sa akin si Zsa Zsa. Of course, I’m sad for a friend who I am expecting is going through some heartaches now. I don’t...

kapag ganun, you don’t bother them muna. You give them a period to mourn. Parang huwag ka munang papasok. Let them ano... after a while then you can ask a little. Hindi kasi ako mapapel, I don’t want to interfere muna.”

May idea ba siya sa reasons ng pag-atras ni Zsa Zsa sa wedding na this year sana magaganap?

“No. None at all. Kanina ko lang nalaman. Hindi pa kami nakapag-usap. So, ‘yung statement lang ni Karylle, ‘yun din ang narinig ko. I don’t want to ask muna. Parang may pinagdadaanan iyong tao ‘tapos mangingialam ka pa? Ano ‘to, parang recording, uulit-ulitin niya. Kasi ganito ang nangyari, ganyan. So, ayoko muna.

“I know they have a wonderful... more than a year together. So there are relationship that come and go. There are relationship that come and stay, so we don’t know pa naman if it’s meant to be or not. So, sa kanila na muna iyon.”

May isa pa raw sorpresa si Sharon, pero ayaw muna niyang sabihin kung ano, baka raw magalit si Ms. Malou Santos ng Star Cinema. So movie, sino kaya ang katambal niya? (NORA CALDERON)