SAM AT JULIA copy

WALA pa ring ideya si Sam Milby kung ano ang plano ng ABS-CBN sa teleseryeng Written In Our Stars na pagbibidahan sana nila nina Piolo Pascual, Toni Gonzaga at Jolina Magdangal.

Nang mabuntis si Toni, itinigil na ang production nila.

“For now, eh, wala pa akong alam kung ano’ng mangyayari pero dahil buntis si Toni kaya hindi na muna matutuloy.

Mga Pagdiriwang

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito

Hindi ko alam kung maghihintay kami nang matagal, baka next year pa, so we’re still waiting kung ano’ng mangyayari,” sabi ng aktor.

Ayon kay Sam, sa unang plano, ngayong taon sana ipapalabas ang naturang serye dahil marami-rami na rin silang nakunang mga eksena. Super excited siya dahil maganda ang role niya.

“Marami-rami na kaming nai-shoot. Sobrang dami na talaga. Excited na kami sa project na ‘yun. Maganda ang kuwento, okey ‘yung cast,” kuwento pa ng aktor.

Malaki raw ang pagkakaiba ng role niya sa Written In Our Stars kumpara sa mga dati na niyang nagampanan.

“Ilang months na rin kaming hindi nakapag-taping. I think last January pa yata. It’s been a long time. Hindi ko alam kung on hold pero sana matuloy pa rin. Sobrang nakapanghinayang kasi kung hindi na ito itutuloy,” napailing na kuwento ng guwapong actor.

Ikinuwento rin ni Sam na may gagawin din siyang pelikula ngayong taon at nasa plano na rin ang muli niyang pag-o-audition sa ibang bansa pagkatapos ng teleseryeng Doble Kara na pinagtatambalan nila ni Julia Montes.

“Sa totoo lang, eh, plano ko lang naman ‘yan pero siyempre ang dami ring blessings dito. May movie pang gagawin.

Sana may time next year kahit para sa experience lang ng auditioning. Kasi may management ako do’n na nagmi-message sa akin, nag-i-email pa rin sa akin about auditions and kung puwedeng mag-send ng videos,” lahad pa ni Sam Milby.

(JIMI ESCALA)