iceskating2(1) copy

Kalibo, Aklan—Labing-apat na taong gulang pa lamang ang Filipino-Austrian na si Marc Umgeher subalit nagdodomina na ito sa mahirap na disiplina sa slalom race ice skating sa Europa.

Sa panayam ng Balita sa ina ng bata na si Gemma Umgeher, sinabi nitong 2012 lamang nag-umpisang sumali sa mga torneo ang kanyang anak kung saan agad nitong nagawang magwagi sa iba’t ibang kategorya.

Ang ina na si Gemma Imbang Umgeher ay tubong Seaste, Antique.

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?

Umaasa si Umgerher na matupad ang matinding pangarap ng kanyang anak na mairepresenta ang Pilipinas sa alinman sa mga torneo na nilalahukan ng bansa tulad ng Winter Olympics. Hangad din ng anak nito na makalahok sa professional competitive winter sports sa hinaharap.

Ayon kay Gemma, ilan lamang sa naiuwing gintong medalya ni Marco ay sa pagkapanalo sa magkahiwalay na National Championship total ranking at sa slalom race national championship sa Austria.

Ninanais din ni Marco na makapagbakasyon sa Pilipinas upang makaharap ang mga opisyales ng bansa at magbigay inspirasyon sa ibang Pilipinong atleta na nahihilig sa sports na ice skating.

Matatandaan na bagamat hindi isang malamig na bansa na may yelo ang Pilipinas ay nagawa pa rin nito na makapagpadala ng atleta sa Winter Olympics sa katauhan ni Michael Martinez na lumahok sa figure skating. (Jun N. Aguirre)