Sharon at Sarah copy

SINULAT namin kamakailan na si Sharon Cuneta ang kapalit ni Sarah Geronimo bilang isa sa mga voice coach sa nalalapit na pagbubukas ngThe Voice Kids Season 3 at may insider namang nagsabi sa amin na malabo raw dahil nga hurado na ang megastar sa Your Face Sounds Familiar.

 

Pero heto at inihayag na ni Sharon mismo sa Instagram noong Lunes ng gabi na excited siya na mapabilang sa The Voice Kids 3 na ang caption ay emoticons na masaya at musical notes.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Gets na kaagad ng followers ni Sharon ang post niya kata marami kaagad ang bumati at nagpahayag din ng excitement.

 

Nabanggit din niya ito sa panayam sa kanya ng ABS-CBN news tungkol sa renewal of vows nila ni Sen. Francis Pangilinan.

“Sobrang excited ako, I will be part of The Voice Kids with, of course,Bamboo and Lea Salonga.”

Nabanggit din ng megastar na lately ay hindi siya aktibo sa Facebook account niya dahil gusto niyang i-surprise ang mga tagahanga niya.

 

“To all my supporters and fans, my Sharonians whom I love very much, alam kong ang tagal kong nawala sa Facebook, di ba? Sadya po ‘yun. I have been hibernating. I’ve been in hiding because I have been working on myself para i-surprise kayo.

“Hindi pa ako tapos but I have lost quite a lot of weight, preparing for something really big,” kuwento ni Sharon.

 

Nauna nang napansin ng netizens na malaki na nga ang ibinaba sa timbang ni Sharon nang makunan silang mag-asawa ng litrato habang nangangampanya.

 

“Hindi lang big actually, a few things and sobrang excited ako, ayokong mag-FB kasi baka hindi ko matiis na hindi sabihin. Anyway, while the first surprise I have for you will be I will be part of The Voice Kids with Bamboo and Lea.

And I can’t wait to be with them and to be with the kids and to be with you every week habang umaandar po ‘yung show, habang it’s going on.

 

“The Voice is such a special show to me for reasons I will explain later on siguro sa presscon.”

 

Ang malaking palaisipan ngayon ay ang huling sinabi ng TV host/singer/actress na may magaganap sa kanya sa mga darating na araw.

 

“It is a huge,huge surprise na hindi pa talagang puwedeng i-announce,” aniya. “Pero ang masasabi ko lang po, kumapit po kayo nang mahigpit na mahigpit.”

 

Hmmm, hindi kaya magkakaroon siya ng concert o balik-pelikula na siya? (Reggee Bonoan)