James & Nadine copy

TULAD ni Aga Muhlach, masasabing responsible at loving partner din si James Reid kay Nadine Lustre base na rin sa kuwento nilang dalawa sa presscon ng This Time na mapapanood na simula bukas.

Hindi itinanggi ni James na partygoer siya, pero kapag puwede si Nadine ay isinasama niya para malaman daw ng girlfriend niya ang mga ginagawa niya at kung ano ang mga hilig niya.

Kaya naman kapag may nababalita kay James na may kasamang ibang babae ay alam kaagad ito ni Nadine dahil ikinukuwento sa kanya ng boyfriend niya.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Tulad sa kumalat na namang video na may kasamang babae sa kotse ang aktor.

“In that video, I was on my way home and we gave a friend a lift, she’s an old friend of mine,” katwiran ni James.

“She’s 29, she’s old friend, it’s really nothing with that video.”

Hindi naman daw naiirita o napipikon si James kapag may mga video na lumalabas tungkol sa pagiging babaero o hilig niya sa party.

“No, I don’t have to explain myself every time,” aniya.

Pero kay Nadine, ay mage-explain ang aktor.

“Of course, I have to explain to her. I mean, she knows I will never do anything to hurt her. I explain, and she’s very understanding.”

Kaya naman pala dedma si Nadine sa tuwing may ganitong isyu sa leading man niya dahil alam niya ang lahat ng nangyayari. Sabi na rin ng aktres, simula raw nu’ng naging magkarelasyon sila ay never pa silang nag-away.

Samantala, natupad na childhood dream ni Nadine na makakita ng cherry blossoms sa Japan at kasama ito sa eksena sa This Time at kasama pa ang lalaking mahal niya.

“First time ko po sa Japan kaya masaya po at in five days po, puro shooting lang po kami. At first time ko pong makakita ng cherry blossoms, sobrang ganda po kahit one day ko lang po nakita, sobrang ganda.”

“Masaya ako para sa kanya (Nadine) kasi it’s her first time to see cherry blossoms and it’s her dream since she was like seven years old, that’s why I’m very happy for her,” say naman ni James.

Nai-feature rin sila sa isang Japanese TV show. 

“It’s surprising we saw ourselves on TV during lunch time, we thought we’re in the Philippines. It was strange experience,” napangiting kuwento ng aktor. (Reggee Bonoan)