010516_aika mojica_01 (for Page 4) copy

Natuldukan na rin ang halos isang taong pagtatago sa batas sa ibang bansa ng itinuturong nasa likod ng pagpatay at pagsunog kay Karie Ces “Aika” Mojica sa Zambales noong Hulyo 2015, makaraang itapon ang una pabalik sa Pilipinas mula sa Amerika, nitong Linggo ng umaga.

Bantay-sarado ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) si Jonathan Dwayne Ciocon Viane, 29, isang Filipino-American, nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)Terminal 1 dakong 4:30 ng umaga nitong Linggo.

Kasalukuyang nakadetine si Vianne sa NBI Detention Center sa Manila bago siya dalhin sa Zambales Regional Trial Court (RTC), na roon siya nahaharap sa murder.

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?

Naaresto si Viane ng mga tauhan ng Federal Bureau of Investigation (NBI) sa Iowa noong Setyembre 4, 2015 base sa kahilingan ng Department of Justice (DoJ) na arestuhin siya.

Binigyan ng US authorities ang gobyerno ng Pilipinas ng 60 araw upang magsumite ng full extradition request.

Matatandaan na naging viral sa social media ang pagkamatay ng 23-anyos na si Mojica matapos matagpuan ang sunog na bangkay nito sa isang dike sa San Felipe, Zambales noong Hulyo 24, 2015.

May tama ng bala sa katawan ang biktima, na nanggaling sa isang party kasama si Viane at girlfriend ng huli na si Chloe.

Sa panayam ng Pinoy media sa US, sinabi ng dating asawa ni Viane na si Liane na malaki ang posibilidad na pinatay ni Viane si Mojica matapos ibunyag ng huli ang kinaroroonan ng kanilang apat na taong gulang na anak.

Itinakas ni Viane ang kanilang anak sa Pilipinas habang ipinoproseso ang kanilang diborsiyo bago mangyari ang insidente.

Nakaalis si Viane sa Pilipinas noong Hulyo 26, habang ang kakutsaba nitong si Nino de la Cruz ay natimbog ng mga tauhan ng PNP Special Action Force sa Tondo, Manila noong Agosto 12, 2015. (Argyll Cyrus B. Geducos)