NABENTA ng kabuuang 1.046 million euros ($1.2 million) ang orihinal na artwork para sa dalawang huling pahina ng Tintin comic book na King Ottokar’s Sceptre, nang isinubasta ito sa Paris.

“This is only the second time a Tintin plate has exceeded a million euros,” sabi ni Eric Leroy, comic book expert sa French auction house na Artcurial.

Isang double page plate na bahagi rin ng King Ottokar’s Sceptre ang nabenta ng mahigit 1.5 million euros sa Sotheby’s sa Paris noong Oktubre 2015.

“Over a million euros, this is an excellent result,” sabi ni Leroy.

'TrilYULO:' Dennis, kumasa rin sa croptop challenge!

“Herge’s universe still conquers,” dagdag ni Leroy, tinukoy ang cartoonist sa likod ng tanyag na komiks.

Ang obra sa asul na watercolor, gouache at ink, ang nabili sa pamamagitan ng telepono ng “a European collector, a long-time fan”, kuwento ni Leroy.

Inilathala noong 1939, ang King Ottokar’s Sceptre ang ikawalong instalment ng adventures ng matapang na batang reporter ng Belgian artist na si Herge.

Ang mga obrang Tintin ay unti-unting nagiging popular sa mga collector.

Isang ink drawing para sa pabalat ng mga librong Tintin na inilathala mula 1937 hanggang 1958 ang nabenta ng 2.65 million euros ng Artcurial noong 2014, isang world record. (AFP)