STAMFORD, Conn. (AP) — Muling madidinig ang basketball analysis ni Marv Albert sa kauna-unahang pagkakataon matapos ang 1996 Atlanta Olympics.

Makakasama ni Albert sa Rio de Janeiro basketball coverage sina analyst Doug Collins at reporter Craig Sager, ayon sa ulat ng NBC.

Napatanyag si Albert sa kanyang coverage ng “Dream Team” noong 1992 Barcelona Games. Naging bahagi rin siya ng NBC team noong 1988, 1996 at 2000 Games.

“Albert ranks in the pantheon of all-time play-by-play voices,” sambit ni Jim Bell, NBC Olympics’ executive producer.

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!

Sa panig nina Collins, dating NBA All-Star at coach, at ni Sager, ang pamosong TNT sideline reporter, ito ang ikalimang pagkakataon na magkokober sila ng Olympic basketball.

Ikalimang Olympics din ni Hall of Famer Ann Meyers bilang analyst sa women’s basketball. Makakasama niya sa coverage sina play-by-play announcer Marc Zumoff, ang boses ng Philadelphia 76ers, at reporter Ros Gold-Onwude, dating Stanford player at ngayon ay bahagi ng Golden State Warriors management.