Patay na nang matagpuan kahapon ang miyembro ng Alab dragon boat team na unang iniulat na nawawala matapos na tumaob ang kanilang rowing boat sa Manila Bay, nitong Sabado.

Ayon kay SPO3 Milbert Balinggan, ng Manila Police District (MPD)- Homicide Section, dakong 1:20 ng madaling araw nang matagpuan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG)-CCP Detachment, malapit sa Manila Yacht Club sa Roxas Boulevard, ang bangkay ni Jerome Tipon, 26, ng AMC Building sa Nacar Street, San Andres Bukid, Manila.

Matatandaang nagsasanay ang grupo ng biktima sa nabanggit na lugar nang mapuno ng tubig ang kanilang rowing boat, dakong 5:30 ng umaga, hanggang sa tumaob ito.

Nagawa ng 21 kasamahan ni Tipon na makalangoy palapit sa pampang.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Gayunman, napansin nilang wala si Tipon kaya naglunsad ng search and rescue operation ang mga tauhan ng PCG.

Bigo naman ang mga ito na makita ang biktima hanggang sa lumutang ang bangkay nito kahapon. - Mary Ann Santiago