Ipinasilip ng De La Salle ang maaaring abangan ng kanilang fans at supporters sa darating na UAAP Season nang pataubin ang Adamson, 98-88, kahapon sa pagbubukas ng 10th Fil-Oil Flying V Pre Season Premier Cup, sa San Juan Arena.

Mula sa 11- puntos na pagkakaiwan,17-28, sa first quarter, dumikit pa ang Falcons sa halftime,45-48, sa pamumuno nina Sean Manganti Robbie Manalang at ng transferee mula La Salle na si Terrence Mustre.

Nanatiling dikit ang laban hanggang sa third period na nagtapos sa iskor na 69-63 hanggang sa tuluyang kumalas ang Green Archers sa final canto.

Sa pangunguna ni Gboy Gob, nagsimulang kumalas ang Green Archers sa iskor na 67-61 at hindi na bumitaw sa pagtatapos ng laban.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Tumapos na may 30 puntos ang team skipper na si Jeron Teng bukod sa siyam na rebound, tatlong assist at isang steal para pangunahan ang panalo ng Green Archers habang nag-ambag si Gob ng 20 puntos at ang Cameroonian big man na si Ben Mbala na may 13 puntos, 10 rebound, limang assist at dalawang block.

“My team is 60-70 percent pa lang,but we’re getting there,” pahayag ng bagong La Salle coach na si Aldin Ayo.

(Marivic Awitan)