Nick copy

BINASAG na ni Nick Gordon ang kanyang katahimikan hinggil sa mga pangyayari na nauwi sa pagkamatay ni Bobbi Kristina Brown noong Hulyo.

Ang opisyal na dahilan ng pagkamatay ni Bobbi ay naitalang “undetermined”. Sa kanyang panayam kamakailan sa Daily Mail Online, may mga bagay na isiniwalat si Nick na hindi inaasahan, katulad na lamang ng minsang pagkalunod ni Bobbi sa bathub.

“Whitney [Houston] found her, pulled her out and slept in her bed that night,” pagsisiwalat ni Nick.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Ayon kay Nick, nangyari ang insidente sa Beverly Hills Hilton isang gabi bago namatay si Whitney — sa nasabi ring lugar, at parehong-pareho ang kanilang naging kalagayan.

Bago namatay si Whitney noong 2012, sinabi ni Nick na nagsimula siya at si Bobbi Kristina na gumamit ng droga “more and more.” 

“She would use drugs to numb the pain she was feeling. She started taking pain pills and Xanax and self-harming. You could see the scars on her arms,” paliwanag ni Nick.

Inamin ng 26 na taong gulang na si Nick na sinubukan niya at ni “Krissy” (tawag niya kay Bobbi Kristina) na magbago, nagplanong magpakasal, at magkaroon ng mga anak.” Sinabi niya na nakaranas sila ng “a couple of miscarriages.” 

Isang gabi bago matagpuang patay si Bobbi Kristina sa bathtub, sinabi ni Nick na siya ay “went out with a couple of buddies”at “having a good time.” 

“Krissy thought I was with some other females and that’s when she got upset. She called and said I had to come home,” aniya. At nang umuwi na siya ng 4:00 ng umaga, sinabi ni Nick na si Krissy ay “messed up,” ngunit silang dalawa ay “made up and went upstairs and lay on the bed for about 45 minutes and did what adults do.”

(Yahoo News Celebrity)