Karla copy

SIMPLE at makabuluhan ang naging wish ni Karla Estrada para sa kanyang panganay na si Daniel Padilla who celebrated his birthday noong Martes, April 26.

“Gusto kong manatili siyang may magandang puso at kalooban at maging maka-Diyos. Anumang problemang susuungin niya sa buhay ay bago ako ay si Lord muna ang kanyang lapitan dahil may solusyon Siya sa lahat ng problema,” pahayag ng super busy at isa sa iginagalang na hurado sa Showtime’s Tawag ng Tanghalan.

Abala at excited si Karla sa kanyang first major concert na bukas na gaganapin sa Kia theater. Katulong niya sa pagpa-plug si Vice Ganda na todo ang suporta sa matalik na kaibigan. 

Lifehacks

Feeling tagapagmana ng kompanya? Ilang tips para hindi 'overworked' sa trabaho

Ayon kay Karla, na host din ng bagong morning show na Magandang Buhay na nagsimula ng umere nitong Lunes, ang Her Royal Highness, Queen Mother Karla ay isang gabing punong-puno ng awitan at katatawanan at malalaking sorpresa para sa manonood.

May sitcom din ang Kapamilya Network para kay Karla at mapapanood ito sa Cinemo. (REMY UMEREZ)