BOGOTA, Colombia (AFP) – Nalansag ng pulisya sa Colombia ang criminal network na pumupuslit ng ipinagbabawal na gamot sa Asia at Australia, inihayag ng mga awtoridad nitong Huwebes.

“After a year-and-a-half-long investigation, the National Police have succeeded in locating an organization that focused on sending drugs to China and Australia,” pahayag ni Ricardo Alarcon, pinuno ng anti-narcotics unit ng pulisya.

Kabilang sa mga istilo ng criminal network ang itago ang mga droga sa loob ng mga computer at iba pang electronic device, at gumagamit din ng drug mule o mga pasahero sa eroplano para magdala ng droga.

Ang Colombia ay nangunguna sa mundo sa pagtatanim ng coca leaf, ang pangunahing sangkap sa paggawa ng cocaine.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'