kaya copy

Hindi mapigilan ang pag-angat ng football at indikasyon ang pagdami ng bilang ng mga kabataan na nahuhumaling sa sports na tulad ng basketball may kinabukasan ang Pinoy sa naturang disiplina.

Ipinakikita ng football ang pagpapahalaga sa disiplina at team work kung kaya’t naniniwala si LBC Express president Santi Araneta na lalaking may paninindigan at prinsipyo ang mga kabataang sinusuportahan sa Tali Football Club ng Batangas.

“As someone who played football as a kid, I have come to recognize that success is all about the team. Whether we’re talking about a sports, work, school—any community for that matter—working as a team means each one cares more about the vision and purpose of their task. It’s a value that we at LBC are fortunately able to demonstrate through our support for Kaya,” pahayag ni Araneta.

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?

Isinama ni Araneta ang buong koponan sa laban ng Kaya FC, kinatawan ng Pilipinas, at Kitchee Sc ng Hong Kong, sa Asian Football Confederation (AFC) Championship para personal na masaksihan ang katauhan ng mga player sa football field ng Rizal Memorial Sports Complex sa Manila.

“Fan talaga kami ng Kaya—at the same time, Kaya sets such an example for my team, gaya ng teamwork, sportsmanship and integrity,” pahayag ni Tali Fc coach Kim Limboc.

Hindi man makalusot sa susunod na round ang Kaya FC, ang determinasyon na kanilang ipinamalas ay sapat na para magsilbing inspirasyon sa kabataang Pinoy.