Hustisya ang hiling ng mga kaanak ng nawawalang magsasakang aktibista na si Jonas Burgos sa susunod na pangulo ng bansa.

Ayon sa pamilya Burgos, ipinangako sa kanila ni Pangulong Benigno S. Aquino III, na mabibigyan sila ng katarungan, ngunit magtatapos na ang administrasyon nito ay mailap pa rin ang hustisya.

“The President’s inaction on the case is the same inaction we saw from the former president GloriaMacapagal Arroyo.

If we’ve found Arroyo guilty, then how can we say that President Aquino is not part of the state’s cover up of the crime?” himutok ni JL, nakababatang kapatid ni Jonas.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Ang masaklap pa, ayon kay JL, ang itinuturong utak sa pagkawala ni Jonas na si dating Colonel Eduardo Año, ay siya ngayong hepe ng Philippine Army.

Abril 28, 2007 nang dukutin ng mga hindi nakilalang suspek si Jonas sa isang mall sa Quezon City. Anak ng press freedom icon na si Jose Burgos Jr., si Jonas ay isa sa pinakakilalang desaparecido o biktima ng enforced disappearance sa bansa. (Leonel Abasola)