DIREK NUEL NAVAL copy copy

KASUSULAT lang namin kahapon na magkakasagupa sa takilya ang Just The 3 of Us nina John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado at This Time nina James Reid at Nadine Lustre pero may reaksiyon na pala ang direktor ng huli sa mangyayari.

Nag-tweet si Direk Nuel Naval -- @directfromncn – ng, “Kailangan talaga makipagtapatan? Di ba pwedeng magtulungan na lang? #perapera” na umabot sa 904 retweets at 1.5k likes.

May mga nagkomento na madadaan naman daw sa usapan at hindi kailangan ng violent reactions, na sinagot agad ni Direk Nuel ng, “Not a violent reaction. I am also a Kapamilya, loyal for 20 years. I wish I’m just a director, pero tao din ako.”

Human-Interest

ALAMIN: Anong dapat gawin ng mga babaeng hirap magpapayat dahil sa PCOS?

Hindi umabot sa April 27 playdate ang Just The 3 of Us dahil nagkasakit si Jennylyn, kinapos ang panahon sa post-production. Hindi puwedeng isalang ang pelikula na hindi pa tapos at kulang pa sa promo.

Pero may nagbulong sa amin na ayaw magpabanggit ng pangalan, na, “Natakot kasi ang Just the 3 of Us sa Captain America: Civil War kaya sa JaDine na lang sila tumapat.”

Maging kami ay nagulat din nang malaman naming makakatapat nina John Lloyd at Jen sina Chris Evans, Robert Downer, Jr., Scarlett Johansson, Jeremy Renner at iba pa. Katunayan, nasabi namin sa kausap naming na, “Bakit tumapat? Wala na bang ibang petsa?”

Mabuti na lang naiba ang playdate, kaya lang nahagip naman ang JaDine movie kaya hindi masaya ang taga-Viva Films sa desisyon ng Star Cinema.

Basta kami, pareho namin panonoorin ang Just The 3 of Us at This Time. (REGGEE BONOAN)