Mar at Archie copy

PINUTAKTI ng katakut-takot na disgusto ang dating actor na si Archie Alemania sa kabulastugang ipinost niyang selfie with presidential candidate Mar Roxas.

Pinik-ap ng maraming bloggers ang kanyang post na agad namang kumalat sa iba’t ibang FB pages.

Ang caption niya sa naturang photo: “May nagpa-picture sa akin sobrang die hard supporter ni Duterte. Good choice bro! Nakalimutan ko itanong name niya nu’ng magkausap kami. Kita kits na lang sa rally ni Digong.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Isa sa mga very vocal sa pagsurporta kay Mayor Duterte si Archie at ang puna ng netizens, gumawa raw ng paraan ang actor para siraan ang isa sa mahigpit na kalaban ng manok niya.

Kaya nag-react naman kaagad ang supporters ni Sec. Mar Roxas. Kung anu-ano ang itinatawag nila kay Archie bilang ganti sa ginawa ng actor na halos hindi na raw makakain sa sobrang pagkaapektado ng sobrang takot palang actor, huh!

Kaya hayun, hindi pa umabot ng 24 oras ay deleted na agad ang nasabing post at kasabay din ng paghingi ng tawad ni Archie sa mga nasaktan niya.

Kaya lang, may mga nakakopya na nga ng post niya, kaya tuloy pa rin ang pagkalat nito sa social media kahit na naka-private na rin ang Instagram account niya.

“Sorry talaga sa mga na-offend ko lalong lalo na kay Mar Roxas at sa mga supporters niya. Sobrang dami ang nagba-bash sa akin. I’m just makulit at my captions. Di ko naman intensiyon na mambastos ng kapwa,” ani pa ng hindi naman kagalingang actor.

“Kahit gaano ka pa kagaling at kahit gaano pa kalakas ang taong humahawak ng career mo kung magaspang naman ang ugali mo, eh, mabubura agad ang pangalan mo sa showbiz,” sabi ng isang netizen na tagapagtanggol ni Mar Roxas at ng kanyang katambal na si Congresswoman Leni Robredo na patuloy ang pangunguna sa surveys. (JIMI ESCALA)