Angelica-Panganiban copy

SI Angelica Panganiban ang latest celebrity na nagpahayag ng suporta kay Rep. Leni Robredo na tumatakbong bise-presidente sa nalalapit na eleksiyon.

Sa kanyang Instagram (IG) account, ipinost ng aktres ang picture ni Leni at ang caption ni Angelica ay, “Yes. Since day 1. Vice President Leni” at may thumbs up emoticon.

Maganda ang reaction ng fans ni Angelica sa choice niya for VP, may natuwa, pero may nagso-sorry dahil kahit fan sila ng aktres, hindi nila susundin ang gusto niya. May ilang pilit siyang kinukumbinse na iba ang iboto at nagbigay pa ng pangalan.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

May isang nakatutuwang comment kaming nabasa. Sabi ng fan ni Angelica, sana okay pa rin sila ni Heart (Evangelista) kahit iba ang choice niya for VP. May nag-comment naman na maha-hurt si Heart sa napili ni Angelica.

Naalala tuloy ng iba na minsan ay nagkaroon ng isyu sina Angelica at Heart, nag-unfollow-han pa nga sa IG, pero nagkaayos din at they followed each other again.

Ngayong open si Angelica kung sino ang VP niya, hindi naman siguro magiging daan ito para muli silang mag-unfollow-han sa IG.