Rachelle Regine Sarah copy

MASAYANG nag-post si Rachelle Ann Go sa kanyang Instagram account ng picture niya kasama sina Regine Velasquez-Alcasid at Sarah Geronimo: “Ang saya ko. Two of my faves watched the show. Salamat sa suporta. Love you, Ms. Reg and Sis.”

Parehong nanood sa The Theater Solaire Resort & Casino noong Sunday evening sina Regine at Sarah ng Les Miserables na si Rachelle Ann gumaganap bilang Fantine. Batid ng lahat na naging inspirasyon ni Rachelle Anne sa mga tagumpay na tinatamasa niya ngayon sina Regine at Sarah.

Si Regine ang nag-host noong 2003 ng Star For A Night na si Sarah ang naging champion. Kalaunan, si Regine din ang nag-host ng Search For a Star na si Rachelle Ann naman ang naging champion.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nanood at humanga din daw sa performance ni Rachelle Ann sa Les Miserables ang international actress na si Ms. Lea Salonga.

Balitang pagkatapos ng Les Miserables dito sa Manila ay babalik uli si Rachelle Ann sa London. Nakipag-swap place lamang daw si Rachelle Ann sa isa sa members ng Asian tour para lamang siya makapag-perform sa Manila. 

(NORA CALDERON)