ISABEL, BABY FEATHER AT JOHN copy

IPINAKITA na nina John Prats at Isabel Oli ang mukha ng kanilang baby na si Lily Feather. Kahit nakatagilid ang baby, okay na ‘yun sa fans ng mag-asawa na mula nang ipanganak si Feather, gusto nang makita ang mukha. Naunawaan nila ang desisyon ng mag-asawa na after one week pa ipakita si Lily Feather.

Si John ang nag-post ng picture nina Isabel at Feather sa Instagram, nasa tabi ni Isabel ang baby nila at parang bagong panganak si Isabel dahil may oxygen pa. Si John naman, parang maiiyak sa tuwa.

Ang caption ni John sa photo: “One week na ngayon! Grabe ang moment na to sa buhay namin ng asawa ko. Hindi ko ma-explain ang saya. Napakalaking pagbabago sa buhay namin. Totoo ang mga tsismis. :) Puyatan talaga, pero sobrang sarap na puyatan. Sulit ang bawat segundo pag kapiling ko sila. Sobrang gusto ko magtrabaho araw-araw at hindi ko nararamdaman ang pagod. Dahil lahat ng ginagawa ko ay para sa kanila. Salamat Lord sa healthy baby na binigay mo sa amin na si @featherprats at sa safety ng asawa ko @isabeloliprats. Mga Kapamilya eto po ang pamilya ko. Salamat po sa lahat ng nag-congratulate and nagdasal para sa amin. We love you #WeareTheDynamites #Life.”

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Wala pang balita kung kailan bibinyagan si Feather at kung sino ang magiging ninong at ninang. Ang tiyak pa lang, isa si Angelica Panganiban sa mga ninang. (Nitz Miralles)