John Lloyd at Jennylyn copy

NAGKAKATANUNGAN ang entertainment writers kung bakit naurong ang playdate ng Just The Three of Us nina John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado under Star Cinema.

Kaya nagtanong kami sa taga-ABS-CBN, at ang sagot sa amin, “Maysakit si Jennylyn, hindi nakapag-shoot, two days ago lang natapos.”

Tapos na pala sana ang shooting pero may post-production pa, bukod sa kulang pa sa promo, ni hindi pa nga nagpapa-presscon, kaya hindi raw talaga uubrang ipalabas ngayong araw, Abril 27.

Ina, may open letter sa pastor dahil sa umano'y pambubully sa anak sa simbahan

Sabi namin, makakatapat nila ang This Time nina James Reid at Nadine Samonte under Viva Films naman kung ipapalabas nila next week ang Just The Three of Us.

Kung hindi kami nagkakamali ay parang ngayon lang ulit magkakatapat ang Star Cinema at Viva Films sa playdate dahil parati silang joint venture.

Anyway, naniniwala naman kaming parehong panonoorin ng kani-kanilang fans ang Just The 3 of Us at This Time dahil pareho namang sikat ang mga bida.

Magkakatalo lang ang dalawang pelikula sa kinita sa unang araw.

But knowing JaDine fans, tiyak hindi sila papayag na maungusan sila ng tambalang Jennylyn at John Lloyd.

(REGGEE BONOAN )