Nakopo ni Nestor Colonia ang bronze medal sa clean-and-jerk ng 56-kilogram division sa 2016 Asian Weightlifting Championship nitong weekend sa Tashkent, Uzbekistan.

Nabuhat ni Colonia ang 148 kilo sa clean-and-jerk category para pumuwesto sa likod nina Meng Cheng ng China (159 kgs.), at Sinphet Kruaithong ng Thailand (154 kgs.).

Umaasa na makakalusot sa Rio Olympics, nabigo si Colonia na makakuha ng medalya sa snatch at total point.

Pumang-apat lamang siya sa snatch sa nabuhat na 120 kgs, anim na kilo ang layo sa bronze medal winner na si Meng, habang ang kabuuang 268 kilo na nabuhat ay sapat lamang din para sa ikaapat na puwesto sa likod ng bronze winner na si Li Fabin ng China (273 kgs.).

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

Hindi naman pinalad si Rowel Garcia na tumapos sa ika-17 sa torneo.

Kabilang din sa RP Team si Hidilyn Diaz, nakasungkit na ng slot sa Rio Games, na nakatakdang sumabak sa Lunes.