Aljur Abrenica Once Again copy

ISANG seryoso at medyo slim na Aljur Abrenica ang nakausap ng entertainment press after the press launch ng Once Again, ang bagong primetime drama series ng GMA 7 na balik-tambalan nila ni Janine Gutierrez after ng first team-up nila sa Dangwa.

Dual role si Aljur sa Once Again kaya kailangang magpa-slim siya ng konti dahil mas bata ang character niya sa reincarnation part ng serye.

Hindi nakaiwas si Aljur nang tanungin tungkol sa issue na matagal nang gustong itanong sa kanya noon pa, iyong pag-alis niya sa kanyang mother studio noong 2014 na umabot pa sa korte ang usapan.

Human-Interest

Mahanap kaya? Lalaking hinahanap nawalay na biological parents, usap-usapan

Maituturing ba niyang second chance ang pagbibigay sa kanya ng bagong lead role ng GMA?

“I don’t consider it as a second chance, I see it as a second coming,” sagot ng binata. “Second coming kasi ‘pag sinabing second chance, it’s like you asked... binigyan ka na ulit ng pagkakataon. Second coming, walang nangyari.

‘Yung mga nangyari before I don’t see it as negative as... sa nakikita iba. Ganito ko po nakikita ‘yung nangyari, isa po siyang misunderstanding between sa network and the artist.

“Nakikita ko po siya, parang pagtatampo ng isang anak sa ama. Natural po sa atin ‘yan, nakikita ko po dahil tayo ay may sari-sariling sitwasyon na hindi pagkakaintindihan sa pamilya pero ang pinakaimportante po sa akin ‘yung pinanggagalingan. Di ba, kaya po tayo nag-aaway-away minsan dahil meron tayo sa sarili natin na maganda sa pinanggagalingan natin, hindi lamang natin alam kung paano mapag-uusapan, mai-express ‘yung mga sarili natin.

Gano’n po ang nangyari sa amin ng network.”

Hindi na nag-elaborate pa si Aljur, pero nangangahulugan ba na inaamin niya na nagkamali siya?

“Opo! Sinabi ko po iyan. Inaamin ko po na naging mali ang naging paraan ko. Pero iyong pinanggagalingan ko po sa kamalian na ‘yun, paninindigan ko ‘yun, dahil iyon po ang sa tingin ko ay tama at hindi siya masama, at may natutunan akong lessons sa mga nangyari, specifically ay nakilala ko nang husto ang sarili ko.

“’Pag sinabi ko pong nakilala, ngayon alam ko na kung ano ang gusto ko, alam ko na rin kung ano ang ayaw ko. Kasi nakikita ko iyong pag-stay natin sa industriya at ang gusto ko kasi tumagal sa industriyang ito, at mas malayo pa ang marating ko. At alam ko ring marami pa akong maisi-share sa mga taong nanonood sa atin.

“Gusto ko ring makapag-contribute sa industry, dahil mahal ko ito at sa bansang Pilipinas, ibibigay ko ang lahat para sa ikabubuti ng pangkalahatan ng bansa natin at ng film and TV industry.”

Sa May 2 (Lunes) na ang simula ng Once Again. Gumaganap si Aljur bilang si Edgar del Mundo sa reincarnation part at bilang si Aldrin Sanchez sa modern time. Sa direksyon ni Don Michael Perez, may special participation sina Christopher de Leon, Bembol Roco, Irma Adlawan, Sharmaine Arnaiz at Phytos Ramirez. (NORA CALDERON)