IMG_0157 (1) copy

NAKITA noong isang araw sa Italian Embassy sina Alden Richards at Maine Mendoza na siyempre’y naisip agad ng Aldub Nation na kumukuha sila ng Italian visa.

May balitang sa Italy kukunan ang ilang eksena ng launching movie ng AlDub love team at ibig sabihin, malapit nang simulan ang shooting nila. Kung sa July nga ang target playdate ng movie, kailangan na talagang simulan ang shooting.

Wala pang title ang movie na co- produced ng APT Entertainment at GMA Films to be directed by Mike Tuviera.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sorry na lang sa ibang AlDub fans na nagre-request ng ibang director sa movie dahil sa simula pa lang sa germination stage ng launching movie nina Alden at Maine, si Direk Mike na ang nakakasa para magdirek.

Kinikilig ang AldubNation na ilang araw magkakasama sa Italy sina Alden at Maine. Romantic place ang Italy, baka raw pagbalik ng dalawa, may maganda at nakakakilig silang announcement. (Nitz Miralles)