TALISAY, Batangas - Pinaghahanap pa ang isang barangay chairman at kanyang anak matapos na lumubog ang sinasakyan nilang bangka sa Lawa ng Taal, sa bahaging sakop ng Talisay, Batangas, nitong Martes.

Ayon kay Senior Supt. Arcadio Ronquillo, Jr., kasalukuyan pang nagsasagawa ng rescue operation para sa mag-amang Michael Aala, 41, chairman ng Pulo Island; at 10 taong gulang niyang anak na si Von Johann Aala.

Dakong 6:00 ng umaga nang umalis ng bahay ang mag-ama, sakay sa maliit na bangka, para pabakunahan ang paslit sa Barangay Poblacion 3 sa Talisay.

Dakong 11:30 ng umaga nang mag-text si Michael sa kanyang misis para sabihing pabalik na sila sa bahay.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa rescue operation, tanging ang takip ng bangka at mga gallon ang natagpuan ng mga pulis. (Lyka Manalo)