The 58th GRAMMY Awards - Arrivals

NEW YORK (AP) – Isinilang na ang panganay nina John Legend at Chrissy Teigen — isang baby girl na pinangalanan nilang Luna Simone Stephens.

Stephens ang tunay na apelyido ni John. Inihayag ng mag-asawa nitong nakaraang Linggo sa social media ang pagsilang ng kanilang anak. Abril 14 isinilang si Luna Simone.

Taong 2013 nang magpakasal ang 37-anyos na nagpasikat ng All of Me sa 30-anyos at ang modelong si Chrissy.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Oktubre nang ihayag ng mag-asawa ang pagbubuntis ni Chrissy matapos aminin ng huli na nagkaproblema siya sa fertility at kung paano siyang sumailalim sa in vitro fertilization treatments.