PEDERNALES, Ecuador (AP) – Tuloy ang rescue operation matapos ang pagtama ng pinakamalakas na lindol sa Ecuador sa loob ng maraming dekada na pumatag sa mga gusali at sumira sa mga kalsada sa Pacific coast. Sinabi ng mga opisyal kahapon na umabot na sa 272 katao ang namatay at 1,557 pa ang nagtamo ng mga pinsala.

Nakasentro ang magnitude-7.8 quake nitong Sabado, ang pinakamalakas na tumama sa Ecuador simula 1979, sa hindi gaanong matao na fishing ports at tourist beaches ng Ecuador, may 170 kilometro ang layo mula sa hilagang kanluran ng Quito, ang kabisera ng bansa.

Malungkot na ibinalita ni Vice President Jorge Glas ang bilang ng mga namatay sa isang news conference, habang umuwi si President Rafael Correa mula sa Rome para pamahalaan ang krisis.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture