Ang labanan para sa 2016 UFCC Cocker of the Year ay magpapatuloy ngayon araw sa paglalatag ng ika-11 yugto ng 6-cock derby sa Pasay Cockpit tampok ang 70 sultada, simula 2:00 ng hapon.

 Ang mga lider na sina Engr. Sonny Lagon (Blue Blade Farm) at Joey delos Santos (San Roque) na kapwa may tig-37 puntos, ay magtatangkang umalagwa sa isa’t isa dahil sa anim na yugto na lamang ang nalalabi.

 Nasa ikalawang puwesto si Fiscal Villanueva/Eboy (Fiscalizer) -36.5; samantalang nagsalo naman sa ikatlo sina Ka Luding Boongaling (LB Candelaria RCG) – 33.5; Gerry Ramos (AAO Striker) – 33.5 at Engr. Celso Salazar (Golden Boy 718) - 33.5

Pumuwesto sa ikaapat sina Gov. Eddiebong Plaza (EP RJM Roosterville) at Arman Santos (Jared) – 32.5.

Manny Pacquiao, inintriga kung saan pupunta sa sabay na laban nina Jimuel, Eman sa Feb

Handog ng Ultimate Fighting Cock Championships, ang 2016 UFCC Cock Circuit ay itinataguyod ng Thunderbird Bexan XP & Thunderbird Platinum, Sagupaan, Solaire Resorts & Casino at Resorts World - Manila.

 Samantala, ang mainit pa ring pinag-uusapan na Sabong All-Star Engkuwentro sa Pasay 7-Cock Derby ay nagtapos na may dalawang kalahok na kapwa nakapagtala ng tig-anim na puntos upang pagsaluhan ang kampeonato. Ito ay ang mga entries na CJ Gerry Boy (Gerry Teves/JR Tolentino & Charlie Gayoso) at Lucban JCap Ambray (Anthony Lim/John Capinpin and Atty. Ambray)