JOROSS copy

NASA GMA-7 na muli si Joross Gamboa na in fairness ay may offer naman daw ang ABS CBN, na ikinatuwa ng aktor dahil nalaman niyang interesado pa rin sa kanya ang Kapamilya Network na naka-discover sa kanya.

Pero nainip na yata ang actor sa kahihintay ng gagawin niyang project sa Dos kaya tinanggap na niya ang offer ng GMA-7. After ng ilang buwang pananatili sa America, doon nanganak ang asawa niyang si Kartz Saga sa baby nilang si Jace Skyler, dumating naman ang offer ng Siyete.

Sey ni Joross, freelance na siya o walang kontrata sa alinmang network kaya kung sino ang unang mag-offer sa ay iyon ang tatanggapin at gagawin niya. Ilang proyekto na rin naman ang nagawa ni Joross sa GMA, kasama ang First Time at ang Genesis with Dingdong Dantes.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

“Palipat-lipat naman ako, eh,”sabi ni Joross na kasama ngayon sa Juan Happy Love Story na pinagbibidahan nina Heart Evangelista at Dennis Trillo.

Aniya pa, marami rin siyang nagawang projects sa TV5.

“Nang bumalik ako sa ABS, ginawa ko ‘yung Bridges of Love at ‘yung Maalaala Mo Kaya, now back to GMA naman ulit tayo. Maganda naman ‘yung role ko sa Juan Happy Love Story, best friend ako ni Heart na secretly in love with her at gagawin ko ang lahat para mabawi siya from Dennis,” kuwento pa ni Joross.

Hindi pa rin nabubura sa isipan ng publiko ang kumalat na video scandal niya, na ayon sa kanya ay nagbigay sa kanya ng malaking leksiyon. Ganoon na lang daw ang pag-iwas niya ngayon anumang tukso, huh! (JIMI ESCALA)