andrea at mikael copy

MATAPOS umani ng maraming tagahanga sa Cambodia ang love team nina Mikael Daez at Andrea Torres dahil sa kanilang mahusay na pagganap sa Sana Ay Ikaw Na Nga at With A Smile, narito naman sila ngayon para maghandog ng de-kalidad na pelikulang pinamagatang Fight For Love.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay mapapanood ito sa Sunday Night Box Office (SNBO) ngayong gabi, at dito makikilala ng Kapuso viewers ang mayamang si Marco (Mikael), isang Muay Thai champion dito sa Pilipinas na naghahangad na magpunta sa Cambodia para matutuhan ang traditional martial arts na Bokator.

Magkakawalay sila ng kasintahang si Angela (Andrea) dahil dito, pero hindi ito dahilan para sa isuko ng dalagang ang kanilang pagmamahalan. Makakahanap ng trabaho si Angela sa Cambodia at susundan si Marco para suportahan ang pangarap ng minamahal. Samantala, hinahanap din si Marco ng amang si Mr. Suko na gagampanan ng batikang Cambodian actor na si Tep Rindaro.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sa pagsisikap ni Marco na matutuhan ang Bokator, kakalabanin niya si Sokeat (Khat Vaihang), isang Bokator fighter na laki sa hirap at ang tanging suporta ay nagmumula sa matalik na kaibigang si Sonita (Maes Thorm Sreynai).

Mapagtagumpayan kaya ni Marco na talunin si Sokeat sa oras na magharap sila sa loob ng ring?

Huwag palampasin ang maiinit na bakbakan sa Fight For Love, isang proyektong pinagtulungan ng GMA Network, Cambodian Television Network (CTN) at mula sa direksyon ni Ken Simpson, ngayong gabi na pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA.