Tinuligsa ng Makabayan senatorial bet na si Rep. Neri Colmenares ang pagpayag ng Sandiganbayan na makapagpiyansa ang sinasabing utak ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o “pork barrel” scam na si Janet Lim Napoles.

“Habang ‘yung Kidapawan farmers na ikinulong dahil sa pagpoprotesta ng kanilang kagutuman ay hindi binababaan ang halaga ng piyansa, si Janet Lim Napoles na nagbulsa ng bilyong piso mula sa kaban ng ay bibigyan ng bail na napakababa para sa kaso niya,” ani Colmenares.

Ayon kay Colmenares, na nasa senatorial ticket ng presidential bet na si Senator Grace Poe, malinaw na ang pagpayag ng Sandiganbayan na makapagpiyansa si Napoles kahit nahatulan na ng korte ay pagpapakita ng hindi pagkakapantay-pantay sa ating batas.

“This shows the selective justice under the Aquino administration and these cases are being used just intended for harassment of its critics and opponents,” dagdag ni Colmenares. (Beth Camia)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20