LONDON (AP) — Ipinahayag ng World Anti-Doping Agency (WADA) nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila) na posibleng makalusot sa anumang uri ng ‘sanction’ ang mga atleta na nagpositibo a ‘meldonium’ dahil umano sa kakulangan ng siyentipikong katibayan hinggil sa epekto nito sa katawan ng isang atleta.

Iginiit ng WADA na posibleng alisin ang ipinataw na ‘provisional suspension’ kung mapapatunayan na ang gumamit ng ‘meldonium’ ang atleta bago naidagdag sa listahan ng mga ipinagbabawal na gamot nitong Enero 1.

“It’s not an amnesty as such,” paliwanag ni WADA President Craig Reedie sa Associated Press.

Ayon sa WADA, may kabuuang 172 kaso ang naitala na may koneksyon sa ‘meldonium’.

Kahayupan (Pets)

Asong nasagip mula sa dog meat trade, nangangailangan ng tulong

Kabilang na rito si tennis superstar Maria Sharapova ng Russia, na umaming gumagamit ng gamot may 10 taon na ang nakalilipas para magamot ang iba’t ibang karamdaman. Nagpositibo siya sa drug test na ginawa sa Australian Open nitong Enero.

Ang naturang droga , gawa sa bansang Latvia, ay pamoso sa mga atleta sa Eastern European countries. Nagpapadagdag sa buga ng oxygen sa dugo ang meldonium.

Ngunit, ipinadala ng WADA sa lahat ng national anti-doping agencies na tinatanggap nila ang depensa ng mga atleta dahil sa katotohanan na “there is a lack of clear scientific information on how long it takes for meldonium to clear the system”.

“In these circumstances WADA considers that there may be grounds for no fault or negligence on the part of the athlete,” ayon sa opisyal na pahayag ng WADA.

Ipinahayag ni Russian tennis federation head Shamil Tarpishchev na dahil sa bagong pahayag ng WADA ay makapaglalaro si Sharapova sa Olympics.