Sampal, suntok at tadyak ang inabot ng isang kagawad at anak niyang dalagita matapos silang kuyugin ng mahigit 10 hindi nakilalang lalaki habang sila ng mga poster ni Mayor Oscar Malapitan sa Caloocan City, nitong Miyekules ng hapon.

Napamura na lang sa galit si Kagawad Ernie Crisostomo, ng Barangay 74, matapos siyang upakan ng mga suspek dakong 2:00 ng hapon nitong Miyerkules habang nagkakabit ng poster ni Malapitan kasama ang kanyang 14-anyos na babaeng anak, na pinagtulakan hanggang mapalupasay.

Habang nagkakabit ng campaign poster ang mag-ama, bilang bumaba sa isang nag-aabang na sasakyan ang mga suspek at ginulpi ang mag-ama bago tumakas.

Kinumpirma ni Crisostomo na ang 10 lalaki ay mga tagasuporta ni dating Mayor Recom Echiverri, dahil sinabihan siya ng mga ito na huwag maglalagay ng mga poster ni Malapitan sapagkat ito, anila, ay teritoryo ng dating alkalde.

Eleksyon

Ben Tulfo sa pagtakbo rin niya bilang senador: ‘This is another Tulfo’

“Kung nagawa nila ito sa akin na isang barangay official, tiyak magagawa rin nila ito sa mga sibilyan na tatakutin para lang huwag suportahan ang gusto nilang iboto,” ani Crisostomo.

Bagamat hindi niya kakilala ang 10 lalaki, nagtungo pa rin ang kagawad sa police station para ipa-blotter ang pananakit sa kanila ng kanyang anak. (Orly L. Barcala)