JADINE2 copy

NAKUNAN ng litrato sina James Reid at Nadine Lustre na naghahalikan habang nakaupong magkaharap sa isang sulok.

Ang bagong tawag sa ganitong tagpo ay ‘MOMOL’ o ‘make-out, make-out lang’ na una naming narinig sa mga batang artista, pero hindi na namin babanggitin kung sinu-sino sila.

Feeling namin ay may show ang JaDine at nasa isang kuwarto or tent sila habang naghihintay na tawagin.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

At dahil may relasyon naman at dalawa lang sila sa lugar, naisip siguro nilang magmomol na hindi naman nila akalaing may paparazzi pala kaya hayun, kumalat na ang photo scandal nila sa social media.

As expected, kanya-kanyang komento ang anti-JaDine sa social media, malaswa raw at hindi nila inisip ang kanilang imahe at kung anu-ano pa. May nagsabi pa na wala raw ipinagkaiba si Nadine sa ibang aktres na nahuhuli ring nakikipaglaplapan sa publiko.

Teka, hindi naman sa publiko ginawa nina James at Nadine at kanilang sweet moments dahil dalawa nga lang sila sa kuwarto, di ba? Wala namang ibang nakakita, maliban sa mahaderang paparazzi.

Sa kabilang banda, tahimik lang at hindi nagkokomento ang JaDine supporters. Parang mas gusto yata nila ito dahil lalong napatunayan na may relasyon talaga ang dalawa. May ilang hecklers pa rin kasi na nagdududang gimik lang daw ang relasyon nila.

“Kaya nga umamin para they can be public at walang ‘tinatago. Ang pangit, eh, ‘yung hindi ‘sila’ pero may ganyang ganap,” pagtatanggol ng loyalistang JaDine supporter.

May binanggit pa ang supporters ng JaDine na hindi na namin isusulat dahil may pinatatamaan silang ibang love team, bagay na hindi na tama dahil nasa iisang TV network lang naman sila.

Sa susunod na lang, dapat magbantay nang maigi ang handlers o road managers nina James at Nadine para walang nakakalusot na paparazzi, unless sila mismo ang kumuha ng litrato. (REGGEE BONOAN)