IMG_0293 copy copy

KAABANG-ABANG ang pagpi-feature sa bahay nina Bea Binene sa Dream Home sa Friday, April 15, 10:30 AM sa GMA-7.

First time makikita ang bahay ng bida ng Hanggang Makita Kang Muli at doon pa lang sa sapatos, nakakaloka na. Pati ang host ng show na si Kara David, namangha.

Napakaraming sapatos ni Bea, parang shoes section ng department store ang kuwarto sa bahay nila na kinalalagyan ng mga sapatos sa sobrang dami. Naisip tuloy namin kung hindi ba nagdo-donate ng sapatos ang young actress sa celebrity bazaar ng network.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ayaw ba niyang bawasan ang koleksiyon ng mga sapatos niya? Basta, sobrang dami ng sapatos ni Bea.

Samantala, sa interview kay Bea tungkol sa Hanggang Makita Kang Muli, nabanggit na ang role ng isang feral child sa Afternoon Prime ang pinaka-challenging role na nagawa na niya. Masaya siya dahil nagagampanan niyang mabuti at wala na tayong narinig na nagalit uli sa kanya si Direk Laurice Guillen.

“Iba ang state of being ko, iba ang way of thinking. Pinag-aaralan ko nang mabuti ang script ko, hindi lang dialogue by dialogue. Sinusulat ko sa script kung ano ang right emotion sa nasabing dialogue. Kaya natutuwa ako sa positive feedback sa pagganap ko sa role ni Ana,” wika ni Bea. (NITZ MIRALLES)