Prince William

MUMBAI, India (AP) – Ginamit ni Prince William ang ilang minuto sa gala ball upang magpahayag ng pakikiramay at pagluluksa sa sunog sa isang Hindu temple na ikinasawi ng mahigit 100 katao sa katimugang India.

Nagtalumpati ang Duke of Cambridge sa isang gala ball sa iconic na Taj Palace Hotel sa Mumbai sa kanyang pagdating, kasama ang asawang si Duchess Catherine, para sa isang-linggong pagbisita sa rehiyon.

Iniulat ng Press Trust of India na sinabi ni William sa harap ng mga bisita: “Catherine and I would like to offer our condolences to all those affected by the terrible fire at the temple in Kollam. I know all of you in this room will join us in the sentiments.”

Tsika at Intriga

Kura paroko ng simbahan kung saan nag-perform si Julie Anne, nagsalita na

Nagsimula sa fireworks display, nilamon ng apoy ang Puttingal temple complex nitong Linggo ng madaling araw. Mahigit 100 ang nasawi at nasa 200 ang nasugatan.