KRIS AT LENI1 copy

ANG suwerte ni Cong. Leni Robredo na tumatakbong VP sa ilalim ng Liberal Party dahil kahit hindi niya hingin, suportado ang kandidatura niya ng apat na pinakamalalaking aktres at isang major actor ng bansa. Suportado si Leni nina Batangas Gov. Vilma Santos, Maricel Soriano, Sharon Cuneta, at Kris Aquino.

Marami ang nagulat sa suporta ni Sharon kay Leni dahil alam nating lahat na malapit ang kanyang pamilya sa mga Marcos. Pero hindi si Sen. Bongbong Marcos ang sinusuportahan niya.

Nauna nang nagpahayag ng suporta kay Leni si Kris Aquino at ang bilang nga namin, may dalawang TVC nang ginawa si Kris para sa VP niya. Ang huling TVC na lumalabas sa telebisyon, sinabi ni Kris na, “Kay Leni Robredo naaalala ko ang mom ko, naglilingkod kasi ng walang kapalit. Bilang abogado ng mahihirap, maraming pamilya ang kanyang naiangat.

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate

Kaya ang boto ko, Leni Robredo.”

Sa isang interview, nagpahayag ng pasasalamat kay Kris si Leni at sinagot din ang pangmamaliit ng kampo ni Sen. Bongbong sa suporta sa kanya ni Kris.

“Sa akin lang, nagpapasalamat ako kay Kris. Unang-una, nahihiya naman ako mag-solicit ng ganitong tulong pero siya ‘yung nag-volunteer. At hindi lang niya vinolunteer ang kanyang libreng serbisyo pero pati ‘yung production, pati ‘yung showing vinolunteer niya ‘yun.

“Sino naman ba ang aayaw na Kris Aquino ‘yun, number one endorser sa ating bansa, kilala ng lahat na hindi nag-i-endorse nang hindi niya pinapaniwalaan, whether tao ‘yan o produkto. Kaya malaking bagay iyan para sa akin,” pahayag ni Leni.

Heto naman ang pahayag ni Leni tungkol sa pangmamaliit ni Sen. Bongbong sa suporta ni Kris: “Hindi naman siya makakapagsabi niyan, ‘yung makakapagsabi niyan ay ‘yung epekto ng endorsement. Hindi lang isang tao ang magsasabi, pero ang magsasabi niyan ‘yung resulta after pinakita ito (TV ads).”

Samantala, marami pa rin ang nagtatanong sa social media posts ni Kris kung sino ang presidential candidate na susuportahan niya. Pero hindi ito sinasagot ng Queen of All Media. Pero sabi nga, kanya-kanya tayo ng choice at huwag na tayong magpakialaman sa ating mapipili at pipiliing iboto.