DANIEL AT KATHRYN copy copy

MAGLI-LEVEL-UP na sa bagong pelikulang gagawin sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil ang premyadong direktor na si Olive Lamasan ang hahawak sa kanila.

Isa ito sa big-budgeted films ng Star Cinema. Ayon kay Kahtryn, 90% ng movie ay kukunan sa Barcelona, Spain. Sa kasalukuyan, isinasagawa pa ang ocular sa Spain para sa locations na pagsisiyutingan nila. At kung masusunod ang kanilang timetable, sa huling linggo ng Mayo ang alis ng tropa ng produksiyon papuntang Spain.

Habang naghihintay ang ng go-signal, mag-aaral daw muna ng Spanish lessons ang KathNiel para sa kani-kaniyang karakter.

Human-Interest

Perwisyo! Netizen gumanti sa kapitbahay na nagparada ng kotse sa harap ng bahay niya

“Kapag marunong na ako mag-Spanish hindi na; ako magta-Tagalog,” pabirong sabi ni Daniel.

Nagdiwang ng 20th birthday si Kathryn kamakailan at aniya’y maganda at sorpresang regalo ang pagdidirek sa kanila ni Direk Olive.

“Mukhang maraming preparations kasi alam namin si Inang, bihira siya gumawa ng pelikula and sobrang pasasalamat namin dahil tinanggap niya ang project na ito. Excited talaga kami,” ani Kathryn. “Sabi nga namin ni DJ, itotodo talaga namin dito sa movie. We are very thankful kasi pinaghahandaan talaga ng lahat itong pelikula.” 

Nagpahayag naman si Daniel na kahit papaano ay kabisado niya kung paano magtrabaho si Direk Olive.

“Hindi ko naman masasabi kung ready ako pero I’ll do my best. Gagalingan namin ni Kathryn. Siyempre, nandiyan naman si Direk Olive para gabayan kami sa lahat ng eksena namin. Hindi niya kami titigilan hangga’t hindi niya nakukuha ‘yung gusto niya. Talagang excited din kami doon,” sey ng Teen King.

Ang ilang sa critically-acclaimed movies ni Direk Olive na blockbuster hits din ay ang Madrasta, Milan, In The Name of Love, In My Life, The Mistress, at ang Starting Over Again nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga na kasalukuyang highest grossing Filipino film sa kinitang P410M sa domestic box office.

(Editor’s note: After Piolo and Toni movie noong 2014, ngayon lang uli gagawa ng pelikula si Olive Lamasan. Masundan kaya ng KathNiel ang record ng Starting Over Again? Abangan!) (ADOR SALUTA)