JADINE, KATHNIEL & LIZQUEN copy

LALO pang palalagablabin ng ASAP ang tag-init sa ihahandog nitong nakakakilig na mga sorpresang hatid ng nangungunang love teams sa bansa na sina Liza Soberano at Enrique Gil, Nadine Lustre at James Reid, at Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ngayong tanghali.

 

Dadagdagan pa ang kasiyahan ng teen love teams nina Elmo Magalona at Janella Salvador, Andrea Brillantes at Juan Karlos Labajo, Kenzo Gutierrez at Julia Barretto, at Loisa Andalio at Joshua Garcia.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Lalo ring paiinitin ang concert stage ng paboritong teleserye couples na sina Kim Chui at Xian Lim ng The Story of Us, Cristine Reyes at Zanjoe Marudo ng Tubig at Langis, at Daniel Matsunaga at Erich Gonzales ng Be My Lady.

World-class na kantahan pa rin siyempre ang hatid nina Piolo Pascual, Toni Gonzaga, at Sarah Geronimo sa kanilang kakaibang concert treat.

 

Suwabe naman ang pasok nina Jay-R at Zsa-zsa Padilla sa kanilang pagsasanib-puwersa para sa isang soulful musical performance.

 

Hindi rin magpapahuli sa kantahan sina Daryl Ong, Juris Fernandez, Darren Espanto, Janella Salvador, Nikki Valdez, at Jolina Magdangal sa “ASAP LSS.”

 

Muli namang magpapakitang gilas sa dance floor sina Maja Salvador, Sarah Lahbati, at Enrique Gil. Kaabang-abang din ang all-star reunion ng pinakamalalaking Kapamilya programs at ng Star Magic family.

 

Huwag palalampasin ang ASAP ngayong tanghali sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).